Mas maraming impormasyon sa iba pang maritime territory ng Pilipinas, inaasahan sa mas pinalawak na mandato ng National Maritime Council

Mas maraming impormasyon o update sa iba pang karagatan o isla na sakop ng Pilipinas ang makakalap sa pinalawak na kapangyarihan ng National Maritime Council.

Ito ay kasunod ng inilabas na kautusan ng ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagpapalakas sa maritime domain awareness at maritime security ng Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na malaking bagay ito, lalo’t hindi lamang naman sa West Philippine Sea (WPS) mayroong hinaharap na hamon ang bansa.


Nandiyan din aniya ang Benham Rise sa Silangan ng bansa, Batanes sa Hilaga at ang Timog na bahagi ng bansa, na nakaharap sa Indonesia at Malaysia.

Sa ilalim kasi ng Executive Order no. 57, pinalawak din ang kapangyarihan ng National Maritime Council (NMC), kung saan sakop na nito ang kabuuan ng Philippine matirime territory.

Ayon kay Malaya, lahat ng mga lugar ay nangangailangan ng maritime domain awareness, at dapat lamang na palakasin ang maritime security, lalo’t hindi lamang naman sa WPS matatagpuan ang blue economy ng Pilipinas.

Facebook Comments