Mas maraming internally displaced persons, makakauwi na sa most affected areas sa Marawi City ayon sa Task Force Bangon Marawi

Posibleng makabalik na sa most affected area sa Marawi City ang mga pamilya ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa unang bahagi ng 2022.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo del Rosario, pinamamadali na ni Marawi City Mayor Majul Gandamra ang paglalabas ng building permits ng aabot sa 1,500 na applicants para makapagsimula na ang pagtatayo ng kanilang bahay sa ground zero.

Mula sa 2,200 na nag-apply para sa building permits, mahigit 300 ang nagsimulang mag-repair ng kanilang bahay.


Habang 1,500 naman ang naghihintay ng go signal mula sa Local Government Unit.

Nagkasundo sina Secretary Del Rosario at Mayor Gandamra na lumikha ng maraming team na magsasagawa ng simultaneous final assessment at inspection ng structural integrity sa sectors 4 hanggang 7.

Una nang nakabalik ang mga IDP sa sectors 1 to 3 na kinabibilangan ng tatlong barangay sa loob ng most affected areas.

Facebook Comments