Mas maraming late enrollees, asahan na sa pagbubukas ng klase bukas ayon DepEd

Asahan na ang mas maraming late enrollees sa pagbubukas ng klase bukas (October 5) ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, marami pa rin ang mga naghahabol at medyo mabagal pa rin ang pagtaas ng numero hindi katulad ng pagsisimula ng enrollment campaign.

Nabatid na una nang nagpahayag ang DepEd na tatanggap sila ng late enrollees hanggang Nobyembre.


Sa kasalukuyan, mayroong 22.5 milyong estudyante ang naka-enrol sa pampublikong paaralan.

Hinimok naman ng departamento na i-enrol ng mga magulang ang kanilang mga anak kahit may banta ng COVID-19 sa posibleng epekto nito sa bata sa pagliban sa darating na pasukan.

Facebook Comments