Mas maraming pamilya sa Pilipinas, naghirap dahil sa COVID-19 pandemic – ADB Survey 

Mas maraming pamilya sa Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan dahil sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.

Batay sa survey na inilabas ng Asian Development Bank Institute, 7 sa bawat 10 household na sinurvey ang nagsabi na may nawalan ng trabaho o nabawasan ng kita sa kanilang pamilya dahil sa pandemya.

Sa ibang bansa sa rehiyon, 4 lamang sa bawat 10 pamilya ang may naranasang ganitong paghihirap.


Lumabas din sa survey na halos kalahati o 46% ang nagsabing tumigil sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

“The most common reason is not having computers or tablets, not having internet connections, or too slow or unstable connections,” ayon kay Peter Morgan, Vice Chair of Research at the ADB Institute.

Bukod dito, nasa higit 8 milyong senior citizens ang apektado ng pandemya at 20 porsiyento lang sa kanila ang may nakukuhang benepisyo. 

Facebook Comments