VP Robredo, suportado na itaas ang edad ng statutory rape hanggang 16 

136

Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo sa panukala ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na itaas ang edad ng statutory rape sa Pilipinas mula 12 patungong 16-taong gulang.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na isa ito sa mga isinusulong din niyang adbokasiya mula pa noong abogado pa lamang siya.

Iginiit ni Robredo na maraming batas ang kaniyang aamiyendahan.

Una nang sinabi ni Zubiri na ang Senate Bill 305 na inihain niya noong nakaraang taon ay mabilis na maipapasa sa Senado.

Umani rin ng suporta mula sa Commission on Population (POPCOM) ang panukala ni Zubiri. 

Facebook Comments