Mas maraming Pinoy, nais na manatili sa 15-anyos ang criminal liability age

Manila, Philippines – Mas nakararaming Pilipino umano ang nais na maipako pa rin sa 15-anyos ang pinakamababang edad na mapapanagot sa mga krimen.

Ito ay batay sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia noong Marso 15 hanggang 20 sa 1,200 katao sa buong bansa.

Lumabas sa survey na 55 porsyento ng mga Pilipino ang pabor na mapanatili ang minimum age sa 15-anyos habang 20 porsyento ang nagsabing dapat ay ibaba ito sa 12-anyos habang 9 na porsyento ang humirit na ibaba sa 9-taong gulang.


Karamihan sa mga pumabor na manatili sa 15-anyos ang edad na maparurusahan sa kasong kriminal ay mula sa Luzon na may 63-porsyento, sumunod ang Visayas na may 47-porsyento habang 45-porsyento mula sa Metro Manila.

DZXL558

Facebook Comments