Mayorya ng mga Pilipinong ang naniniwala na hindi kailangan ang kasal bago mamuhay nang magkasama o mag-live-in.
Batay sa Veritas Truth Survey, 45 porsiyento ang nagsabing hindi na kailangang makasal bago mag-live-in habang 40 porsiyento ang pabor na dapat na ikasal muna bago magsama at 15 porsiyento naman ang undecided.
Sa age group na 40 hanggang 60 taong gulang, 48 porsiyento ang nagsabi na ang mga mag-asawa ay dapat munang ikasal bago magsama; 29 porsiyento ang nagsabing hindi ito kailangan, at 23 porsiyento ang undecided.
Para naman sa edad 21 hanggang 39, 21 porsiyento ang nagsabi na ang mga mag-asawa lamang ang maaaring mag-live-in, 58 porsiyento ang nagsabing hindi ito mahalaga, at 21 porsiyento ang hindi sigurado.
Sa mga edad 13 hanggang 20, 34 porsiyento ang nagsabi na ang pag-aasawa ay kinakailangan bago mag-live-in, 51 porsiyento ang nagsabing ito ay hindi kinakailangan, at 15 porsiyento ang hindi sigurado.
Iginiit naman kay Radio Veritas President Fr. Anton Pascual na ang resulta ng nasabing survey ay isang hamon sa patuloy na misyon ng simbahan hinggil sa magandang sakramento ng kasal.
Isinagawa ang survey noong Enero 1 hanggang 31, 2022 sa 1,200 respondents nationwide at mayroon itong +/-3 percent margin of error.