SURPRISE DRUGTEST PARA SA MGA BARANGAY OFFICIALS NG ASINGAN ISINAGAWA

Nagsagawa ng surpresang drugtest ang lokal na pamahalaan ng Asingan , kung saan lahat ng elected at appointed barangay officials ay sumailalim dito.

Kabilang din sa mga sumailalim sa drug test ay mga Civilian Volunteer Organization Barangay Health Workers, Sanggunian Kabataan Barangay Secretary, Barangay Treasurer at Barangay Record Keeper.

Nagpaalala naman ang alkalde sa isandaan at labing walo (118) na individual na hindi dumaan sa voluntary drug tests na ang layunin ng naturang aktibidad na tiyaking hindi sangkot sa iligal na droga ang mga opisyal ng barangay.

Samantala, nasa 901 ang kabuuang bilang ng mga nagboluntaryong sumailalim sa drugtest ng bayan. | ifmnews

Facebook Comments