Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng mas maraming power interruption sa Luzon dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa gitna ng mainit na panahon.
Paliwanag ni NGCP External Affairs Head Cynthia Alabanza, dahil sa mainit na panahon, tumataas ang demand sa kuryente habang bumababa ang suplay nito.
Posible umanong tumagal ng isang linggo ang Red Alert status sa Luzon.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na aniya ang NGCP sa distribution utilities at cooperatives para maipaalam sa kanila ang sitwasyon at mapaghandaan ang mga inaasahang power interruption.
Nagpaalala rin ang NGCP sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Facebook Comments