Mas maraming pulis, ipapakalat ng MPD sa Divisoria

Mas marami pang mga pulis ang ipapakalat ng Manila Police District (MPD) sa may bahagi ng Divisoria ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.

Ayon kay MPD PIO Chief Police Maj. Philipp Ines, inihahanda na ng MPD ang ilalatag na seguridad sa Divisoria para sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili.

Aniya, dalawang istasyon ng pulisya ang maghahati para sa deployment.


Isa dito ay ang Moriones Tondo o Station 2 sa pamumuno ni PLt. Harry Lorenzo III na magpapakalat ng 70 personnel habang 80 personnel naman ang ide-deploy ng Station 11 sa pamumuno naman ni PLt. Col. Rexson Layug sa kada kanto ng Divisoria.

Sinabi pa ni Ines, may augmentation din mula sa MPD district standby reserved force na puwedeng i-deploy sakaling kailanganin pa ng dagdag puwersa gayundin ang mga nasa opisina na maari rin ilabas.

Pagsapit naman ng December 16 o simbang gabi ay full deployment na ang gagawin ng MPD kung saan nasa 1,500 personnel ang kanilang ipapakalat.

Partikular sa mga malls, simbahan, bus terminals, pasyalan, parke at iba pa na dinadagsa ng mga tao.

Facebook Comments