Mas maraming science high school, itatatag sa bawat rehiyon sa bansa

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12310 o Expanded Philippine Science High School (PSHS) System Act, na layong palakasin ang pamamahala at operasyon ng mga campus ng PSHS sa buong bansa.

Sa ilalim ng batas, itatatag ang karagdagang mga PSHS campus sa bawat rehiyon upang magbigay ng scholarship-based education na nakatuon sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM).

Layunin nitong palawakin ang access sa de-kalidad na STEM education, hikayatin ang mas maraming kabataang Pilipino na magpatuloy sa agham at teknolohiya, at tiyakin ang maayos na pamamahala ng lahat ng naturang campus.

Kabilang sa mga lugar na posibleng pagtayuan ng mga bagong campus ang Negros Island Region, Aklan, Albay, Bohol, Ilocos Norte, Cagayan, Zamboanga del Sur, General Santos City, at Bukidnon.

Mananatili sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ang PSHS System, na pamumunuan ng Board of Trustees na binubuo ng mga kinatawan mula sa DOST, Department of Education (DepEd), University of the Philippines (UP), at pribadong sektor.

Facebook Comments