Nasa 4-billion dollars o higit 193 billion pesos na capital investment ang aasahan ng Pilipinas mula sa tatlong pangunahing mining projects sa bansa.
Ito ay matapos na alisin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na taong moratorium sa bagong mineral agreements.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga bagong mining projects ay inaasahang makapagbibigay din ng P40 billion na local taxes at P20 billion na halaga ng mga proyektong panlipunan na papakinabangan din ng indigenous people.
May makukuha ring kita dito ang bansa na magagamit para suportahan ang mga key infrastructire programs ng gobyerno na lilikha naman ng mas maraming trabaho.
Ang palitan ng piso kontra US dollars ay P48.47
Facebook Comments