Sa impormasyon ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria Garafil, mas maraming transport groups sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ang tutol sa isang linggong tigil-pasada bilang pagpapakita ng pagtutol PUV Modernization Program ng gobyerno.
Sabi ni Garafil, sa National Capital Region (NCR) lamang, nasa 11 malalaking jeepney at UV groups ang nagpahayag ng pagkontra sa transport strike ng grupong Manibela Sa Northern Mindanao, ay nasa 50 transport groups naman ang hindi rin makikibahagi rito.
Binanggit ni Garafil na kabilang sa mga hindi sasali sa tigil-pasada ang National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), Alliance of Transport Operators’ & Drivers’ Association of the Philippines (ALTODAP), at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), gayundin ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Pasang Masda (PM) Jeepney, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go Coalition, Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO), UV Express National Alliance of the Philippines (UV Express) at ACTO NA CORP.