Mas maraming volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal

Nasa 270 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Mas mataas ito kumpara sa 268 volcanic earthquakes na naitala kahapon.

Sa bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, nasa 193 episodes din ng volcanic tremor ang naitala sa bulkan.


Tumatagal ng isa hanggang 12 minuto ang mga volcanic activities.

May na-monitor din na 77 low frequency volcanic earthquakes na mas mataas kumpara sa 25 naitala kahapon.

May mahihinang pagbuga rin ng steam-laden plumes na umaabot ng hanggang 10 metro mula sa Main Crater at average 925 toneladang sulfur dioxide.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.

Facebook Comments