Tom Rodriguez, ano nga ba ang dahilan kung bakit nag-propose kay Carla Abellana sa gitna ng pandemya?

Inilahad ng aktor na si Tom Rodriguez ang dahilan kung bakit pinili niyang mag-propose kay Carla Abellana kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Ayon kay Tom, mula sa pag-aalinlangan, naging sigurado siya sa pag-propose ng kasal kay Carla matapos ang kaniyang realization tungkol sa “tamang panahon”.

Kung dati kasi aniya na wala pa siyang intensiyong gawin ito, ngayong nakikita niyang tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 ay naisip niya na “why not na lang gawin habang sinasabihan pa siya ng kaniyang intuition”.


Nabatid na noong Oktubre 2020 pa sila engaged ni Carla pero hindi muna nila ito isinapubliko dahil sa pagiging sensitibo sa pinagdadaanan ng mga tao ngayon.

Matatandaang idinaan ni Tom sa isang Love Quote mula sa isang sikat na poet/diplomat/politician na si Pablo Neruda ang kaniyang malalim na pagmamahal kay Carla na labis na nagpakilig maging sa mga netizen.

Facebook Comments