Sinabi ni Technical Education and Skills Development Authority Director General, Secretary Isidro Lapeña, na ang 2019 omnibus guidelines for scholarships ay magtatala nang panibagong employment rate para sa mga tech-voc graduates.
Binigyan-diin ni Lapeña na napakahalaga ng tungkulin ng TESDA sa tech-voc education dahil sa kailangan nang makasama ang pagbibigay ng trabaho at livelihood sa mga magtatapos sa pagsasanay.
Aniya, sa bagong guidelines, ang 60% employment rate ay kasama sa mga criteria para sa pagpili ng mga Technical Vocational Institutions na pagkakalooban ng mga scholarship slots.
Ito ay nangangahulugan na 60% ng mga scholar-graduates ng isang TVI ay nakahanap at nakapasok na ng trabaho sa loob ng isang taon matapos silang maka-graduate.
Iniutos din nito ang agarang pagpapalabas ng guidelines upang ma-i-guide ng tama ang mga TVIs, gayundin ang mga estudyante ng tech-voc, kaugnay sa bagong direksyon ng TVET.
Ngayong taon, inaasahang madadagdagan ang bilang ng mga scholarship beneficiaries na nasa hanay ng “special clients” gaya ng indigenous peoples, dating mga rebelde, persons with disabilities, at senior citizens, isama pa rito ang mga migrant workers, urban poor, drug dependents na sumuko sa mga awtoridad, at iba pang miyembro ng katulad na sektor.
Ayon kay Lapeña ang bagong omnibus scholarships guidelines ay nakatuon sa quality training