Mas mataas na kaso ng COVID-19, asahan na oras na isama sa bilang ang resulta ng rapid antigen test

Asahan na ang mas mataas na maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw matapos ikonsidera ng Department of Health (DOH) na isama sa bilang ang mga positibong resulta ng rapid antigen test.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gagamitin ang rapid antigen test kits sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna para makapagsagawa ng mas maraming test.

Aniya, ang mga Local Government Unit (LGU) ang mangangasiwa rito katuwang ang mga health workers na magbabahay-bahay para hanapin ang mga may sintomas o na-expose sa virus.


Nilinaw rin ni Vergeire na gagamitin lang ang rapid antigen test sa close contact, symptomatic individuals at mga indibidwal na na-expose sa COVID-19.

Sabi pa ni Vergeire, bibili ang gobyerno ng 500,000 antigen test kits para makahalili ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID test sa Pilipinas.

Habang magbibigay rin aniya ang World Health Organization (WHO) ng rapid antigen test kits na inaasahang darating bago ang weekend..

Facebook Comments