Manila, Philippines – Epektibo na bukas, Enero a-siyete ang pagpapatupad ng mas mataas na multa sa mga pasaway na motorista.
Mula sa kasalukuyang P200 multa para sa illegal parking, gagawin itong P1,000.
Magiging P2,000 naman ang multa para sa mga unattended vehicles mula sa kasalukuyang P500 habang magiging P1,000 na rin ang multa para sa traffic obstruction mula P500.
Pati mga private vehicles na nakaparada sa tapat ng bahay, pasok sa violation.
Samantala, P1,000 na ang multa para sa mga private vehicle at bus na lalabag sa yellow lane policy.
Habang ang mga driver na masasapul sa CCTV na gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho na labag naman sa Anti-Distracted Driving Act o ADDA, papatawan ng P5,000 para sa first offense, P10,000 sa second offense at P15,000 sa third offense.