Posibleng mayroon pang mas mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Ito ang inihayag ni PNP-Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) Director Police BGen. Ronald Lee.
Bagama’t hindi na tinukoy ni Lee ang ranggo ng dawit na opisyal ay kanila na nila itong iniimbestigahan sa ngayon.
Matatandaang kahapon nilagdaan ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang dismissal order laban sa limang pulis matapos irekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) na alisin sa serbisyo dahil sa grave misconduct.
Kabilang sa mga nasibak sina Police Staff Sgt. Daryl Panghangaan, Patrolman Roy Navarette at Patrolman Rigel Brosas na una nang nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) para sa kasong robbery at kidnapping.
Samantala, bagama’t lusot sa kasong kriminal, sibak pa rin sa serbisyo sina P/Lt. Henry Sasaluya at Police Master Sergeant Michael Claveria na pare-parehong nasa restrictive custody na ng Police Regional Office 4-A.
Sinabi pa ni Lee na maliban sa pulis ay mayroon ding dawit na mga sibilyan na focus ngayon nang nagpapatuloy nilang imbestigasyon.