Ilang OFWs, stranded sa Hong Kong Airport kagabi matapos na hindi matuloy ang flight ng PAL

Ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang stranded sa Hong Kong Airport kagabi matapos na hindi matuloy ang flight ng Philippine Airlines (PAL) PR 311 patungong Pilipinas.

Ang stranded na OFWs ay inilipat muna sa hotel habang ang iba ay nagpasya na manatili na lamang sa airport.

Ilan sa mga Pinoy ay apat na taon na hindi nakauwi ng bansa at sabik na sabik na makapiling ang pamilya.


Tiniyak naman ng PAL na isasakay nila sa magkakahiwalay na flight ang stranded OFWs.

Facebook Comments