Mas mataas na pondo para sa flood control project kumpara sa DOH budget, kinuwestyon ni Senator Poe

Sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 national budget ay pinuna ni Senator Grace Poe kung bakit ngayong may pandemya ay mas mataas pa ang inilaang pondo para sa flood control project ng Deprtment of Public Works and Highways (DPWH) kumpara sa budget ng Department of Health (DOH).

Pagkwestyon ni Poe, bakit ₱131.22 billlion lamang ang inilaang pondo para sa DOH pero nasa ₱150 billion ang alokasyon para sa flood control projects.

Tanggap ni Poe na kailangan din ang mga solusyon sa pagbaha pero hindi maitatanggi na may ilang flood control projects ang kwestyunable.


Giit pa ni Poe, dahil sa COVID 19 pandemic ay inaasahang higit na ipaprayoridad ang mga health facilities.

Paliwanag naman ni Budget Secretary Wendell Avisado sa paglalatag ng budget ay kanilang binabalanse ang mga prayoridad ng gobyerno.

Diin pa ni Avisado, bukas din sila sa pagbabagong ilalapat ng Kongreso sa panukalang pambansang budget.

Facebook Comments