Mas matatag na relasyon, hangad ng EU sa mga bansa sa timog silangang Asya

Manila, Philippines – Umaasa ang European Union ng mas matatag na relasyon sa pagitan ng mga bansa sa timog silangang Asya.

Sa ika-40 ASEAN-EU commemorative summit, sinabi ni European Union Council President Donald Tusk na makakatulong sila ng ASEAN bilang isang partner at kaibigan tungo sa trust and cooperation promotion rehiyon.

Mismong sina Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng ASEAN at EU Council President Tusk ang nanguna sa Summit.


Una nang sinabi ni Tusk na gusto ng EU countries na palawakin at palalimin pa ang relasyon sa ASEAN batay na rin sa mutual respect, common interest at share values.

Matatandaang halos apat na dekada na ang relasyon ng dalawang rehiyon.

Bukod dito ay pinasalamatan din ng EU ang Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Duterte sa pag-imbita sa kanila sa East Asia Summit.

Gusto ring doblehin ng EU ang Development Cooperation Funds na susuporta sa ASEAN integration at isa na rito ang paglaban sa terorismo.

Facebook Comments