MAS MATINDING PAGSABOG | Posibleng pagsabog Mayon, magiging “mas matindi” kumpara noong 2014 – PHIVOLCS

Manila, Philippines – Posibleng mas matindi ang mangyaring pagsabog ng Bulkang Mayon ngayong taon kumpara noong huli itong sumabog noong 2014.

Sa isang panayam, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na mas malabnaw kasi ang lumalabas na lava kaya mas mabilis ang pag-akyat nito sa crater ng bulkan.

Pero aniya, hindi mangyayari sa Mayon ang nangyari nang sumabog ang Bulkang Pinatubo.


Dagdag pa ni Solidum, maituturing na non-explosive eruption ang aktibidad ngayon ng bulkang mayon na hindi naman mapanganib.

Kasalukuyang nakataas ang alert level 3 sa bulkan dahil sa patuloy na pagbubuga nito ng abo.

Itataas lang aniya ng PHIVOLCS ang alert level 4 kapag tumaas ang gas content, pamamaga at malakas na pagyanig na posibleng magdulot na mas delikadong pagsabog.

Facebook Comments