Manila, Philippines – Halos walang patid ang pagdating ng tao sa Tienda malasakit store ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Plant Industry (BPI) Multi-Purpose Hall sa San Andres Street sa Maynila.
Bagsak presyo kasi ang mga agriculture products na yung ilan ay mas mababa pa sa kalahati ang presyo.
Tulad nalang ng carrots na P400 sa palengke pero sa Tienda malasakit store P100 lang ang kada kilo.
Ang sili naman na nasa P800 sa palengke sa Tienda malasakit P300 na lang.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, kaya naman pa lang ibaba ang presyo pero ilan sa negosyante ay hindi kontento sa sapat na kita.
Nagpapataas din ng presyo sa agriculture products ang mga middleman at traders.
Sa ngayon plano ng DA na humanap ng mga negosyante na direktang bibili sa farmers at direkta sa Maynila.