Mas pagluwag pa sa travel restrictions para sa mga inbound traveler, tinatalakay na ng IATF

Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagluluwag sa travel restriction para sa mga inbound traveler na papasok sa Pilipinas.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na huwag nang i-quarantine ang mga fully vaccinated na magmumula sa ibang bansa at sa halip ay hanapan na lamang ng negatibong RT-PCR test result.

Ayon kay Department of Health (DOH) Spokesperson Maria Rosario Vergeire, inatasan na ng sila ng IATF na pag-aralan itong mabuti para makita ang pros at cons base sa mga scientific evidence.


Aniya, marami ang pwedeng mangyari sa gitna ng biyahe mula sa pinanggalingan at destinasyon ng isang tao kaya kailangang mapag-aralan ang lahat upang maiwasan ang mas mataas na banta ng COVID-19.

Pagtitiyak naman ni Vergeire, maaaring sa susunod na lingggo ay maglabas na ng rekomendasyon ang DOH sa IATF batay na rin sa siyensya at makakalap na mga ebidensya.

Facebook Comments