Mas pagpapalakas ng produksyon ng agri sector, tutukan ng gobyerno para mapanatili ang mga Kadiwa stores ayon kay PBBM

Kailangang tutukan pa ang produksyon ng agriculture sector ng bansa, para tuloy-tuloy ang pagdami ng Kadiwa stores sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos mamigay ng iba’t ibang government assistance sa Pili, Camarines Sur, ipinaliwanag ng pangulo na ang pagpapalakas ng produksyon ang susi, para maipagpatuloy ang paglalapit ng murang bilihin sa publiko.

Kung hindi kasi kakayanin ng local supply ng bansa, mapipilitang mag-angkat ang Pilipinas, bagay na iniiwasan aniya ng gobyerno.


Punto pa ng presidente na ang puno’t dulo lang naman ng usapin sa pagtaas ng presyo ng bilihin ay ang importasyon.

Makakatulong aniya sa pagtugon sa inflation, kung ang supply ng bansa, ay manggagaling din dito sa Pilipinas.

Facebook Comments