Murder case laban kay suspended BuCor Chief Gerald Bantag, nai-raffle na sa Las Piñas RTC

Nai-raffle na sa Las Piñas court ang kasong Murder na isinampa laban kay suspended Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag kaugnay ng pagpatay kay broadcaster Percy Lapid.

Ang kaso laban kay Bantag ay napunta sa Las Piñas RTC Branch 254.

Malalaman naman sa susunod na linggo kung magpapalabas na ang korte ng warrant of arrest laban kay Bantag.


Samantala, ang isa pang kasong murder laban kay Bantag kaugnay ng pagpatay kay middleman Jun Villamor ay ira- raffle naman sa Lunes sa Muntinlupa RTC.

Facebook Comments