Mas pinaigting na kampanya kontra droga prayoridad ni PRO-6 Director, Brig. Gen. Rene Pamuspusan

Patuloy ang pag-arangkada ng mga programa ng Police Regional Office sa Western Visayas sa pamumuno ni PRO-6 Regional Director, Brigedair General Rene Pamuspusan.

Sa katunayan, nito lamang June 27 hanggang July 27 ngayong taon ay kabuuang P23,180,153 na halaga na ng Shabu ang kanilang nakumpiska sa buong Western Visayas.

Batay sa datus mula sa Police Regional Office 6 (PRO-6) lumalabas na ang bulto ng shabu at halaga nito ay ang nagmula sa Negros Occidental (P13.8 million) at Bacolod City (P9.2 million).


Samantala P162,653 ng halaga lamang ng shabu ang nakumpiska mula sa mga lalawigan ng Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.

“Expect more confiscations. Bacolod City and Negros Occidental are the focus of our operation,” sabi ni Police Lieutenant Joem Malong, ang spokesperson PRO-6.

Nabatid na si Pamuspusan ay opisyal na nanungkulan bilang PRO-6 sa rehiyon Director nito lamang June 27.

Samantala, sinabi ni Malong na-neutralized naman ang mga drug trafficker sa Iloilo at iba pang lalawigan sa Panay Island dahilan para bumaba ang suplay ng shabu na nakukumpiska.

Maging ang grupo ng nangungunang drug suspect Ernesto Bolivar na nanatiling at-large ay hirap na rin sa kanilang operasyon sa rehiyon dahil sa aktibong pagkilos ni Pamuspusan.

Nabatid na tatlo nang PRO-6 directors bago si Pamuspusan ang nagtangka na lansagin at hanapin ang grupo ni Bolivar pero sila ay nabigo.

Si Bolívar na ang pumalit sa puwesto bilang top target ng rehiyon matapos mapatay ang drug lord na si Richard Prevendido noong 2017. Sabi ni Malong, pangunahin sa prayoridad ng PRO-6 ngayon ay ang kampanya laban sa droga at pagdakip kay Bolívar

“The goal is to sustain the gains of the PRO-6 in the revitalized campaign against illegal drugs, targeting the remaining drug personalities and groups in Panay and Negros islands, and these include Bolivar,” sabi ni Malong.

Pinaniniwalaang “minion” ni Prevendido si Bolívar na lalo pang nagpalakas sa drug trafficking activities matapos masawi ang kanyang boss nang makipag-barilan noong September 1, 2017 sa Barangay Balabago, Jaro district sa Iloilo.

At para makaiwas na masakote, si Bolívar ay kumuha umano ng mga tauhan na hindi familiar sa mga otoridad ayon sa mga source.

Facebook Comments