Manila, Philippines -Inatasan na ng Regional Peace and Order Council o RPOC ang lahat ng Security Forces para sa mas pinaigting na checkpoint sa buong Metro Manila.
Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Maute Terrorist Group at ng tropa ng pamahalaan.
Ayon kay QC Mayor at RPOC Chairman Herbert Bautista , ito ay para mapigilan ang anumang tangka ng paghahasik ng kaguluhan sa National Capital Region.
Base sa direktibang inilabas ni Bautista sa DILG, NCRPO at QCPD muling ipinaalala ng alkalde na sa kasalukyan ay umiiral pa rin Presidential Declaration ng State of Lawlessness sa bansa.
Kagabi ay una nang idineklara ni pangulong Rodrigo Duterte mula sa Russia ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao dahil sa kaguluhan dulot ng mga bandidong grupo sa Marawi City.
DZXL558, Silvestre Labay