MAS PINAIGTING|POEA mas pinaigting ang kampanya laban sa Illegal Recruitment

General Santos City—Mas pinaigting pa ng Philippine Overseas Employment Administration ang kanilang kampanya laban sa illegal recruitment and trafficking in person lalo na sa mga minors at underage female domestic helpers sa mga lalawigan sa Mindanao.

Kahapon isinagawa ang pilot project ng POEA sa pakipagtulungan ng International Labour Organization (ILO) sa Glan, Sarangani Province kung saan nagsagawa ng roundup ang nasabing ahensya na dinaluhan ng mga City at barangay officials, myembro at mga opisyal ng sanguniang panlungsod at iba pang sector.

Layonin nito para maging aware ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan sa mga nangyayaring illegal recruitment sa mga underage Domestic Helpers.


Kinumperma ni POEA Director Rhea Corazon Lano, na nakatanggap sila ng report na may mga grupong nang-rerecruit ng underage domestic helpers na i-dedeploy umano sa Saudi Arabia.

Dagdag pa ni Director Lano na mula noong June 18, 2018 hanggang July 12, 2018, nakapagtala ang Bureau of Immigration ng 76 cases ng narescue na minor at underage female domestic workers na na-recruit umano sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula at Lanao Del Norte.

Facebook Comments