General Santos City—Mas pinaigting na ngayon ng Gensan City Police Office at ng Joint Task Force Gensan ang seguridad sa buong lunsod matapos sa nangyaring pagsabog ng isang van sa Lamitan, Basilan noong Martes na ikinamatay ng 11 katao.
Sinabi ni Police Sr. Supt. Raul Supiter na mas pinaigting pa nila ang ipinapatupad na check point sa lahat ng Entry point sa Gensan para maiwasang malusutan ng mga terorista.
Mas pinalakas din nila ang kanilang Intel Monitoring para maiwasang mangyari sa Gensan ang nangyari sa Basilan.
Kung matatandaan na noong mga nakaraang linggo napatay sa raid ang isang mataas na leader ng Mauti ISIS- group at nadakip din ang asawa ng bagong leader ng nasabing grupo at kasalukuyan pang nakakustudiya ngayon sa isang police station dito sa Gensan.
Samantala sinabi naman ni Col. Adonis Bajao, Commanding Officer ng Joint Task Force Gensan na hindi nila binababa ang kanilang alerto para masigurong hindi na muling malusutan pa ng mga teroristang grupo.
Kasabay nito nanawagan si Bajao sa mga mamamayan na tulungan ang pulisya at ang Joint Task Force Gensan sa pagmonitor sa pamamagitan ng pagsumbong kung may makikitang tao sa kaduda-duda na pumasok sa kanilang Barangay.