Baguio, Philippines – Minamadali nang tapusin ang pinakabagong City Disaster Risk Reduction and Management Building na kayang mag-accommodate umano ng higit sa pitong daan at pitumpung katao sa oras na matapos ang natitirang dalawang palapag.
Ayon kay Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) Louie Glen Lardizabal ay sa kasalukuyang sitwasyon ay kaya nitong makapag accommodate ng 250 evacuees.
Pinondohan naman ng city government ang nasabing construction ng CDRRM building na itinayo sa Lower Rock Quarry.
Samantala nilinaw naman ni Lardizabal na gagamitin munang multi-purpose facility ang gusali habang wala pang evacuees na gumagamit dito.
Facebook Comments