
Pinayuhan ni House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang publiko na maging maingat at suriing mabuti ang mga impormasyon na kumakalat online.
Ayon kay Adiong, inaasahan na niya ang paglipana a social media ng deepfakes, trolls at fake news sa harap ng nakatakdang pagsisimula ng pagdinig ng House Committee on Justice sa dalawang verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sabi ni Adiong, binibiro na lang niya ang mga kasamahan na at least nakakatulong din sila sa mga walang trabaho kasi nabibigyan sila ng pera para maging trolls.
Aminado naman si Adiong na nagulat siya na umabot sa 54 na boto ng mga miyembro ng komite ang nagsabing sufficient in substance ang mga reklamong impeachment laban kay VP Sara kung saan isa lang ang komontra.










