MAS PURSIGIDO | Pinoy athlete na sasabak sa Asian games sa Indonesia – baon ang bilin sa kanila ni Pangulong Duterte

Mas pursigidong makapag-uwi ng mga gintong medalya sa bansa ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Asian Games sa Indonesia.

Kasunod ito ng bilin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglaro nang malinis sa Asian Games.

Sabi ni Philippine Olympic Committee President Ricky Vargas – nasa high morale ngayon ang nasa 272 atleta ng bansa dahil sa pabaong bilin ng Pangulo.


Motivation din niya ang cash incentives na pwedeng makuha ng mga Pinoy athletes sa kada medalyang maiuuwi nila.

Dalawang milyong piso ang naghihintay para sa atletang makakakuha ng gold medal; P1-million sa silver medalist at P400,000 sa makasusungkit ng bronze.

Facebook Comments