Mas reliable at credible na AFP, tiniyak ng bagong DND officer-in-charge

Isa sa tutukan ng bagong mamumuno sa Department of National Defense (DND) na si retired General Jose Faustino Jr., ay ang pagpapalakas pa ng pwersa ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, sa kanyang pag-upo bilang DND Officer-in-Charge simula sa July 1 ay tutukan niya ang AFP modernization upang mas maging reliable at credible ang militar sa pagdepensa ng mga teritoryo ng bansa laban sa mga nagtatangkang manakop.

Nasa third horizon na aniya ang AFP modernization program at nais nyang mas mapalakas pa ang territorial at extense defense capability ng AFP.


Ito ay dahil utos aniya ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ni single square inch ng teritoryo ng Pilipinas ay hindi maangkin.

Bukod sa AFP modernization, tutukan din daw ng bagong DND OIC ang epekto ng climate change, natural disasters, terrorism at susuportahan ang mga law enforcement para matigil ang kriminalidad at transaksyon ng iligal na droga sa bansa.

Magtutuloy-tuloy rin daw ang momentum ng AFP sa pagtugis sa mga o address criminality and illegal drugs, cyber security, at ang momentum sa kampanya para matapos na ang local communist armed conflict.

Sinabi rin ni Faustino na suportado niya ang mga matatagumpay na programa sa pamamagitan ng peace agreement ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Si Faustino ay mananatiling DND OIC at Undersecretary ng DND hanggang November 13 pagkalipas ng isang taong ban sa pag-appoint ng mga retired military officer.

Facebook Comments