Senator De Lima, nasa Manila Doctors Hospital na ngayon para sumailalim sa operasyon

164

Mula sa kanyang piitan sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ay naihatid na ngayong umaga sa Manila Doctors Hospital sa Maynila si Senator Leila de Lima.

Si De Lima ay pinahintulutan ng Regional Trial Court Branch 204 at 256 na manatili sa ospital sa loob ng 5 araw o 120 oras mula June 19 hanggang June 25.

Sasailalim si De Lima sa vaginal hesterectomy matapos ma-diagnose na dumaranas siya ng pelvic organ prolapse stage 3.


Nagpapasalamat naman si De Lima sa mabilis na aksyon ng korte sa kanyang hiling na medical furlough.

Nangako si De Lima na hindi siya mamamalagi sa ospital kung hindi kakailanganin at mahigpit din niyang susundin ang health and safety protocols na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments