Layunin ng aktibidad ay para maipakilala sa ibat-ibang klase ng binhi ng palay at makapamili mismo ang mga magsasaka ng bayan ng Upi sa Maguindanao kung anong variety ng palay ang nais nilang itanim sa kani-kanilang mga sakahan .
Hangad rin nito ay upang matulungan ang mga magsasaka na mapalakas pa ang kanilang saka kaakibat ng adbokasiya ng Department of Agriculture na “Masaganang Ani , Masaganang Kita”.
Mismong si MAFAR BARMM Minister Dr. Mohammad Yacob kasama ang iba pang mga opisyales ng MAFAR ang nanguna sa okasyon sa Brgy. Nangi .
Mariin pang inihayag ni Minister Yacob na sa pamamagitan ng programang ito, mapadama ng kanilang ahensya sa mga magsasaka ang kanilang suporta lalo na ang pagbibigay pugay sa mga itinuturing na mga bagong bayani .
Ang pagsisikap aniya ng Mafar Barmm na mismong ibababa sa komunidad ang mga proyekto at programa ay base na rin sa direktiba ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim dagdag pa Minister Yacob.
Nagpapapasalamat naman si Upi Mayor Ramon Piang sa naging inisyatiba ng MAFAR BARMM matapos mapili ang kanyang mga magsasakang mga kababayan.Napakalaki aniyang tulong ito sa mga Farmers ng Palay sa kanyang bayan.
Kaugnay nito,suportado aniya nito ang magiging programa ng MAFAR BARMM giit pa ni Mayor Piang.
Sinasabing hangad ng MAFAR BARMM na maging Agriculture Capital sa Maguindanao o sa buong rehiyon ang bayan ng Upi.
Ang Harvest Festival sa Nangi, Upi ay naging posible dahil na rin sa inisyatiba ni MAFAR BARMM Rice Coordinator Tong Abas at Research Team nito.