Manila, Philippines – Dagdag pasanin sa mga nanay na nagba-budget para sa inyong pamilya, tumaas naman kasi ang presyo ng ilang pagkaing de lata.
Sa abiso ng Department of Trade and Industry, ilang manufacturer ng corned beef, beef loaf at meat loaf sa pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto dahil sa pagtataas ng halaga ng raw materials.
Sa ngayon ay naglalaro sa 50 centavos hanggang P1.00 ang dagdag sa presyo ng canned goods.
Maging ang presyo ng ilang condiments gaya ng toyo, sukat at patis ay tumaas din.
Ayon sa DTI, hindi naman lahat ng brand ng de lata ay nagkaroon ng pagtaas sa presyo.
Facebook Comments