BIHASA | Barbero sa China, kayang maglinis ng talukap ng mata gamit ang straight razor

Chengdu, China – Instant celebrity ngayon ang isang 62 year old na barbero mula sa Chengdu, China dahil sa kakaibang paraan niya ng paglilinis ng talukap o takip ng mata.

Sabi ni Xiong Gaowu, kaya niyang maglinis ng talukap ng mata gamit ang straight razor.

Aniya, natutunan niya ang paraang ito noong 80’s at umaabot ng walo kada linggo ang nagpapalinis sa kanya ng mata.


Sinisingil naman niya ito ng 80 yuan o 12 dollars per head.

Kuwento pa ni Xiong, noong una ay talagang mahirap pero sa kinalaunan ay naging madali na lang ito para sa kanya.

Facebook Comments