Ang mga gadgets ay naging parte na ng ating pamumuhay. Ito ay tinatawag na ring “needs”. Ginagamit ito mapa-bata man o matanda upang maging libangan o di kaya ay makipag-komunikasyon. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman, ang labis na paggamit ng gadgets ay may masamang epekto sa ating kalusugan. Narito ang ilan:
Sleep problems
Ito ang nangungunang epekto ng labis na paggamit ng gadgets. Ang blue light na nakukuha natin sa ating mga gadgets ay nakakapagdulot ng mabagal na produksyon ng sleep hormone. Nararamdaman natin na tayo ay kailangang gising at maging alerto ngunit sa katunayan ay ito ang pumipigil sa atin sa pagtulog.
Tech neck
Ang “tech neck” ay ang karaniwang nararamdaman nating pagsakit sa ating mga leeg at balikat. Ito ay sanhi ng pagsandal natin ng matagal sa harapan ng ating mga computer at gadgets.
Computer Vision Syndrome
Ang computer vision syndrome ay ang pagpakapagod ng ating mga mata sanhi ng labis na pagtutok sa ating mga gadgets. Ito ay maaaring magdulot ng pangangati at panlalabo ng ating mga mata.
Poor Posture
Dahil sa labis na paggamit ng ating mga cellphone maaari itong makapagpakuba ng ating mga likuran sanhi ng pag-upo sa iisang posisyon sa loob ng matagal na oras.
Laptop Laziness
Ang labis na paggamit ng gadgets ay nakakadagdag sa katamaran ng ating katawan na nakakaapekto upang mabawasan ang ating physical activity.
Ilan lamang iyan sa mga negatibong epekto ng paggamit ng mga gadgets. Ang paggamit ng gadgets ay normal lamang ngunit limitahan natin ang paggamit nito upang makaiwas sa maaring maging epekto nito.