Manila, Philippines – Pumalo na sa 5,199 na pamilya o katumbas ng 16,131 indibidwal ang inilikas sa ibat ibang Evacuation na sakop sa Eastern Police District simula pa kaninang ala-1 ng umaga, ng madaling araw.
Ayon sa monitoring ng EPD, ang mga pamilya na inilikas sa iba’t ibang Lungsod na sakop ng EPD ay umaabot na sa mahigit na limang libong pamilya o katumbas ng mahigit 16 na indibidwal gaya na lamang sa Pasig City na umaabot sa 712 na pamilya o katumbas ng 3,311 indibidwal sa Mandaluyong City ay pumapalo sa 95 na pamilya o 410 na indibidwal sa Marikina City ay 4,159 na pamilya o katumbas ng 11,765 indibidwal habang sa San Juan City ay umaabot sa 233 na pamilya o 645 na indibidwal kung saan umaabot lahat ng 5,199 na pamilya o katumbas ng 16,131 indibidwal.
Base sa monitoring na Marikina Rescue 161 pumapalo sa 20.4 meters ang level ng tubig sa Ilog ng Marikina na umaabot na sa critical level.
Gumamit na rin ng Drum boats, Truck 6×6, ang mga tauhan ng EPD dahil mayroong mga lugar.na hindi kayang daanan ng mga sasakyan kayat pinayuhan ng EPD ang mga residente sa naturang mga lugar na maging mapagmatyag at umiwas na at lumikas na ang mga nakatira sa tabing ilog upang maiwasan ang anumang disgrasya.