MASAMANG PANAHON | Stranded na mga pasahero sa mga pantalan, umabot sa halos 2,000

Pumalo na sa halos 2,000 pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.

Sa huling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 1,926 stranded passengers kung saan ay karamihan ng bilang ay nagmumula sa Batangas.

Mayroon ding mga stranded na pasahero sa Oriental Mindoro, Romblon, Southern Quezon, Northern Quezon, Aklan, Camarines Sur at Cagayan.


Bukod dito, aabot sa 194 rolling cargos, 10 vessel at 1 motorbanca ang hindi rin pinayagang bumiyahe.

Bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Rosita, kinansela na ang lahat ng operasyon ng mga motorbanca sa pantalan ng Regions 1 at 2 kabilang ang Batangas Port at Lucena Port sa lalawigan ng Quezon.

Facebook Comments