MASARAP NA KALESKES, INIHAIN SA BAGISEN FESTIVAL SA MANGALDAN

Sa pagbubukas ng Bagisen Festival ng Barangay Bantayan, Mangaldan, inihain ang putaheng Dinuguang Kalabaw o mas kilala bilang Kaleskes.

Isa na ito sa mga malalaking cook off ng Kaleskes dahil sa humigit kumulang trentang kalahok ang nagpakita ng kani kanilang recipe ng orihinal na paraan ng pagluluto ng nasabing putahe.

Tumataginting na P20,000 pesos ang naiuwi ng 1st place sa patimpalak at P15,000 naman sa 2nd place, P10,000 sa 3rd place, at P1,500 para sa consolation prize.

Bagamat ulam para sa marami, maari ding gawing meryenda ang sabaw nito na kadalasang ipinapareha sa puto.

Ang salitang Kaleskes ay nangangahulugang “bituka” sa salitang Pangasinan, na siya namang mas nagpapasarap sa lutong ito maliban pa sa karne ng kalabaw at ilan pang pampalasa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments