Masayang inuman nauwi sa Saksakan sa Datu Odin Sinsuat, isa patay!

Nauwi sa trahedya ang masayang inuman ng mga magkakaibigan sa Sitio Tinabon Brgy Kusion Datu Odin Sinsuat Maguindanao noong Sept. 3 pasado alas onse ng umaga.
Sa panayam ng DXMY kay DOS MPS Deputy Chief of Police Captain Paisal Macmod, masaya pa aniyang nag-iinuman ang suspect at mga biktima ngunit bigla na lamang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga ito. Sinasabing nag-ugat ang krimen matapos na wala ng gustong bumili ng alak sa pagitan ng mga lasing na magkakaibigan.
Kinilala ni PCpt Macmod ang suspect na agad ring naaresto na si Nigee Julio , 22 anyos, isang mangingisda habang kinilala rin nito ang nasawing biktima na si Romnick Alfonso, 30 anyos , mangingisda, na nagtamo ng multiple stabbed wounds habang sugatan din si Junrey Yap, 28 anyos. Gamit ng suspek ang isang mahabang kitchen knife.
Kasalukuyang himas rehas na ang suspek habang nagpapagaling pa sa pagamutan ang isa pang biktima.(D.A)

Facebook Comments