Suportado ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., ang plano ng Marcos administration na rightsizing o pagbuwag sa ilang ahensya ng gobyerno para makatipid.
Naniniwala si Revilla na ang plano ng mga economic manager ng pamahalaan na maglabas ng polisiya para maisaayos ang iba’t ibang ahensiya na may overlapping at redundant functions ay kapuri-puri.
Pero giit ni Revilla, dapat itong isagawa ng walang maaapektuhang empleyado ng gobyerno lalo na ang mga masisipag at karapat-dapat na empleyado.
Diin ni Revilla, ang pagbabawas ng empleyado ng pamahalaan, kabilang na ang civil servants at contractual workers, ay hindi dapat puntiryahin na basta na lamang alisin para lamang sa planong rightsizing ng pamahalaan.
Paliwanag ni Revilla, kung bawas gastusin lang ang pakay, dapat ay ituon ang pagsasaayos at pag-uusog ng mga empleyado depende pa rin sa performance, lalo na kung talagang kapaki-pakinabang sa pamahalaan.
Paalala ni Revilla, dapat ay palaging nauuna ang kapakanan ng mga tao.