Idineklarang payapa at maayos ang mga ginanap na pagtitipon at mass actions pagkatapos ng halalan noong nakaraang linggo.
Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., nakapagtala ang PNP ng 40 public assemblies na ginanap mula May 10 hanggang 14 sa buong bansa.
Kabilang dito ang thanksgiving event sa Ateneo de Manila University nitong nakalipas na Biyernes.
Nagpapasalamat si Danao sa mga kooperasyon ng mga organizer at mga nakiisa sa events sa kanilang panawagang maging payapa ang kanilang pagtitipon.
Natutuwa aniya ang PNP dahil naging smooth lang ang mga pagtitipon at walang naitalang anumang major incidents.
Nakadagdag din aniya sa pagiging payapa ng mga pagtitipon ay dahil sa active deployment ng mga pulis para mapanatili ang kaayusan.