Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pag-apruba ng food and drugs administration o fda sa covid-19 test kits na na-developed ng mga scientists sa university of the philippines o up.
Kaugnay nito ay iginiit ni Zubiri sa pamahalaan na agad magsagawa ng mass-production para sa nasabing test kit.
Kung kakailanganin ay nangako si Zubiri ng kahanadaan na magsulong ng panukala para magkaroon ng supplemental budget na gagamitin sa produksyon ng test kits.
Naniniwala si Zubiri na ang tagumpay ng up scientists sa pagbuo ng COVID 19 test kits ay makakatulong sa pagpawi ng pagkabahala ng publiko kasunod ng pahayag ng department of health na nasa 2,000 pa lang sa ngayon ang test kits nito.
Ayon kay Zubiri, mas mapapahusay ng up test kits ang diagnostic process para sa coronavirus.
Magiging daan aniya ito para matukoy agad ang lugar na may pinakaraming kaso ng COVID 19 sa bansa para sa paglalatag ng epektibong containment strategy.