Negosyante, Huli sa Drug buy-bust Operation

*Cauayan City, Isabela*- Sinampahan na ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga ang isang negosyante sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Marino Sarmiento, 40 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Baculod, Alcala, Cagayan.

Pasado 12:30 kamakalawa ng maaresto ang nesgosyante ng pinagsanib na pwersa ng Tuguegarao City Police Station at PDEA Region 2 matapos mapagbentahan nito ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Narekober kay Sarmiento ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu, isang cellphone at P500.00 na buy bust money.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya ang negosyante para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments