Mass protest ng mga health worker, planong ikasa

Plano ng mga health workers na magkasa ng mass protest kasunod ng kabiguan ng Department of Health (DOH) na maibigay ang mga ipinangako nitong benepisyo gitna ng pagseserbisyo nila ngayong pandemya.

Ayon kay Alliance of Health Workers President Robert Mendoza, pangungunahan ito ng mga empleyado mula sa sampung malalaking private hospitals sa Metro Manila at iba pang public hospital sa buong bansa.

Una rito, sinabi ng DOH na nakapaglabas na sila ng P9 billion na Special Risk Allowance (SRA) fund noong Hunyo, pero giit ng mga health workers, wala silang natatanggap maski sentimo.


Bukod sa hindi natatanggap na benepisyo, sinabi ni Filipino Nurses United Spokesperson Jocelyn Andamo na problema rin nila ang undestaffing, kontraktwalisasyon at kulang na proteksyon sa mga medical frontliners laban sa COVID-19.

Aminado naman si Cristy Donguines, Presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-AHW na marami na sa kanilang mga kasamahan ang naghain ng early retirement at nag-resign dahil sa takot na mahawaan ng virus.

Facebook Comments