Mass repatriation, handang ipatupad ng OWWA sakaling lumala ang sitwasyon sa Israel

Handa ang pamahalaan na magsagawa ng mass repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel sakaling lumala ang sitwasyon doon.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, umaasa silang bumuti ang sitwasyon doon.

Pero sakaling humantong sa pagpapauwi ng mga Pilipino doon ay handa nilang gawin ito sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).


Batay na rin sa mga nagdaang karanasan tulad ng nangyaring gulo sa Lebanon at Libya, hinahayaan ng opposing forces ang mass repatriation sa mga OFWs o mga inosenteng sibilyang naiipit sa sitwasyon.

Gayumpaman, nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Israel lalo na ay may access sila sa bomb shelters.

Karamihan sa mga OFWs na domestic workers ay nananatili kasama ang kanilang employer.

Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay handang magbigay ng assistance.

Facebook Comments